I started my Fan Page last February 4, 2010 with almost 33 followers on that day.
Siyempre, kailangan kong magmakaawa para dumami man lang yung mga members ng page.
Siguro 5 stories pa lang yung nagagawa ko nun.
Pinakauna ay yung Bag at Folder series. Sinundan ng Jeepney at Sulat. Pagkatapos nun marami na rin ako nagawang kwento. At isa dun ang TEXT.
Text: Story of Bestfriends
As of now, ito na ang pinakamaraming YOUTUBE hits with half a million views. Sabi nila sobrang tragic at sobrang natouch sila na hindi na nila mapigilang maluha. Siguro isa sa mga dahilan kung bakit tinangkilik ng tao ang mga istorya ko kasi hindi siya pangkaraniwang pagbabasa lang. Kailangan mo ng malikhaing imahinasyon para matulungang maunawaan at maramdaman ang istorya. Sabi nila, may puso ang mga istorya ko kaya nila nagugustuhan.
Nasundan ito ng mga FBserye tulad ng Sulat, Chubby, Bola at Korea na sumasaklaw sa iba't ibang konsepto ng pagmamahal. Second chance for love, Weight doesn't matter, May-December love affair at long distance relationship.
Sa pagdaan ng panahon ay unti-unti lumaki ang LOVE STORY on VIDEO written by MARCELO SANTOS III. Humigit kumulang 1/4 ng isang milyon ang kasapi dito.
Maraming maraming salamat sa mga sumusuporta sa aking likhang sining. Six Months na tayo! at sana lumagpas pa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento